MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Huaning†ang lakas nito habang papalapit sa Batanes at Taiwan, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Base sa alas-11 ng umagang bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan si Huaning sa 410 kilometro hilaga-silangan ng itbayat, Batanes.
May taglay na lakas ang bagyo na 165 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 200 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.
Itinaas na ang signal No. 2 sa Batanes Group of Islands kung saan inaasahang aabot sa 61 hanggang 100 kph ang lakas ng hangin, habang signal no. 1 naman sa Calayan at Babuyan Groip of Islands.
Inaasahang nasa 420 km hilaga ng Itbayat, Batanes o sa Hilagang Taiwan ang bagyong Huaning bukas.
Sa 24-oras na weather forecast ng PAGASA, makakaranas ng pag-ulan na may malalakas na hangin ang Batanes Group of Islands.
Magiging maulap naman na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.