NCRPO chief Espina balik Crame
MANILA, Philippines – Ibinato pabalik sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP) si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Leonardo Espina upang umupo sa pang-apat na pinakamataas na posisyon sa pulsya.
Mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, balik Camp Crame si Espina matapos italaga bilang bagong Chief of Directorial Staff. Bago maging NCRPO chief ay naitalaga si Espina bilang tagapagsalita ng PNP na nakabase sa Camp Crame.
Uupo sa puwesto ni Espina sa NCRPO si Chief Superintendent Marcelo Garbo, dating director ng Police Regional Office 7 (PRO 7) sa Central Visayas na ibinigay naman kay dating PNP spokesperson Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr.
Samantala, itinalaga bilang bagong tagapagsalita ng pulisya si Senior Superintendent Wilben Mayor.
Ang panibagong balasahan ay ipinatupad ni PNP chief Director General Alan Purisima matapos magretiro sa serbisyo si Director Arnulfo Perez, dating Director for Logistics.
Bukod kay Perez ay nagretiro na rin sa serbisyo sina Deputy Director General Rommel Heredia, dating Chief for Administration, at dalawa pang mataas na opisyal ng pambansang pulisya.
- Latest
- Trending