P3.2M halaga ng 'tsongki' nasabat sa Cordillera

MANILA, Philippines – Timbog ang magpinsang pinaghihinalaang tulak ng droga matapos mahulihan ng P3.2 milyong halaga ng marijuana, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cordillera.

Aabot sa 47 kilo ng marijuana ang nakumpiska mula sa magpinsang Kenneth Lagadeo, 28, at Melchor Lagadeo, 25, sa buy-bust operation kahapon ng alas-4 ng madaling sa Barangay San Roque.

Nakabalot ng packaging tape ang 10 bloke at siyam na tubular packs ng tangkay ng marijuana na aabot sa P3,208,00 ang halaga.

Sinabi ng tagapagsalita ng PDEA-Cordillera na si Emily Fama, ito na ang pangalwang beses na nadadakip si Kenneth na nagpakilala pa umanong Ardie Ramos.

Unang naaresto si Kenneth noong Abril 5, 2009 kung saan 2.91 kilo na bloke ng marijuana ang nakumpiska mula sa kanya.

Samantala, nadakip din ng PDEA ang dalawang supplier ng marijuana mula sa Bakun, Benguet.

Nabawi mula sa mga suspek na sina Olibrum Canias, 30 at J-pee Pacuz, 19, ang apat na bloke ng marijuana na may bigat na 17.30 kilo.

 

Show comments