Mag-asawang Fil-Am sugatan din sa Asiana plane crash

MANILA, Philippines – Ilang Filipino-Americans ang sugatan sa pagbagsak ng Asiana Airlines Flight 214 sa runway ng San Francisco International Airport, ayon sa embahada ng Pilipinas as Estados Unidos.

Kabilang sa mga sugatang Filipino ay ang mag-asawang Ruben, 75, at Belen Vallero, 73.

Nagtamo lamang ng minor injuries ang mag-asawa kaya naman nakalabas na sila ngayon sa Stanford Medical Center.

"Mr. and Mrs. Vallero told Deputy Consul General Jaime Ramon Ascalon and Assistance to Nationals Head Rey Sambitan that they were fortunate to have survived the crash. They sustained less serious injuries, contrary to initial reports that they are in critical condition," pahayag ng Office of the Philippine Consulate General sa San Francisco ngayong Miyerkules.

Unang nakilala ng embahada ang FilAm na biktima na si Maricel Anino Knaus at dalawang anak niya.

Nakauwi na ang mag-i-ina, na nagtamo lamang din ng minor injuries, sa kanilang bahay sa Fort Collins, Colorado, ayon sa Office of the Philippine Consulate General sa San Francisco.

"The Philippine Consulate continues to coordinate with government and Asiana Airlines officials to determine if other Filipino-Americans were in the said flight," sabi ng konsulado.

Show comments