MANILA, Philippines – Itinaas na sa Level 2 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level sa Egypt dahil sa patuloy na kaguluhan kasunod nang pagpapatalsik sa pangulo nito.
"Upon the advice of our Embassy in Cairo, the Secretary of Foreign Affairs just raised crisis alert level 2 over Egypt in view of the deteriorating peace and order situation in that country," sabi ni DFA spokesman Raul Hernandez sa isang televised press briefing ngayong Martes ng hapon.
Inabisuhan ng DFA ang mga Pilipino sa Egypt na mag-ingat at kung maaari ay manatili lamang sa loob ng bahay. Pinaghahanda rin ng ahensya ang mga Pilipino sa posibleng paglikas.
Mungkahi ni Hernandez sa publiko na kanselahin ang mga biyahe patungong Egypt kung hindi naman importante.
Noong nakaraang linggo ay pinatalsik ng mga militar sa puwesto si dating pangulong Mohammed Morsi.
Higit 50 taga suporta ni Morsi ang naiulat na nasawi dahil sa kaguluhan.