MANILA, Philippines – Kahit panahon ng Ramadan ay hindi titigil ang Armed Forces of the Philippines sa pagtugis sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Pero niliniaw ni AFP public affairs office chief Lt. Col. Ramon Zagala na magiging maingat sila at gagawin ang lahat upang hindi maapektuhan ang sagradong okasyon ng mga Muslim.
"Our offensives are only directed against an enemy (BIFF) that has no known religion," sabi ni Zagala.
Tuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga miyembro ng BIFF matapos ang engkwentero ng dalawang tropa nitong Sabado kung saan limang sundalo at tatlong rebelde ang nasawi.
Tinambangan ng mga rebelde ang trak ng Army at sinugod ang isang kampo ng militar bilang bahagi ng kanilang opensiba.
Dalawang bata naman ang sugatan matapos atakehin ng BIFF, isang guerilla group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang bayan ng Datu Piang, Maguindanao.
Nagtanim din ng bomba ang BIFF sa kalsada ng Datu Piang kung saan isang ng mga military ang natamaan.
Nangyari ang magkakasunod na pag-atake dalawang araw bago muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng MILF sa Malaysia.