MANILA, Philippines – Hindi pa napag-uusapan ng Malacañang ang isyu tungkol sa paggamit ng “Filipinas†bilang pangalan ng bansa, ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda ngayong Biyernes.
Sinabi ni Lacierda na napanood na niya ang panayam kay National Artist Virgilio Almario ng Komisyong ng Wikang Filipino (KWF) na siyang nagmungkahi na muling gamitin ang Filipinas.
"[I]n terms of kung merong official discussion pa, wala pa ho kaming napag-uusapan tungkol diyan,†pahayag ni Lacierda sa isang televised press briefing.
Ayon sa KWF, sa paggamit ng Filipinas ay maaaring magkaisa ang mga Pilipino.
Ipinagtanggol naman ni Lacierda ang KWF mula sa mga nambabatikos, kung saan sinabi niya na ginagawa lamang ng language body ang trabaho nito.
“We understand kasi ang Komisyon ng Wikang Filipino, ‘yun po ang mandato nila. So siyempre, they are just performing their mandate. Ito po ang kanilang recommendation but, as to official position taken by the Palace, we have not discussed it yet,†ani Lacierda.
Nagmula ang pangalang “Philippines†mula kay Haring Philip II ng Espanya noong ika-16 na siglo.
Unang ginamit ang “Filipinas†bilang opisyal na pangalan ng bansa ngunit kalaunan ay pinalitan din ito.