AUV, 2 bata tinangay sa Quezon City

MANILA, Philippines – Pinaghahahanap na ng pulisya ang isang grupo ng mga lalaki na tumangay ng isang Asian utility vehicle kasama ang dalawang batang sakay nito Biyernes ng umaga sa Quezon City.

Minamaneho ni Cerelio Villa ang Mitsubishi Adventure (ZGK-141) bandang ala-6 ng umaga sa Regaldo Avenue, Fairview nang sagiin siya ng isang Mitsubishi Montero.

Bumaba mula sa sasakyan si Villa upang tinngnan ang tama ng sasakyan pero bumaba rin ang may limang lalaki mula sa Montero. Nagpaputok ng baril ang mga lalaki sabay sapilitang kinuha ang sasakyan kay Villa.

Nakatakas si Villa at kaagad na dumulog sa Quezon City Police District.

Ayon kay Villa, ihahatid sana niya ang dalawang bata sa Mater Carmelo School.

Inaalam pa rin ng pulisya kung ang sasakyang lamang ang target ng mga suspek.

Show comments