Tenant ng sumabog na unit ng Serendra pumanaw na
July 4, 2013 | 9:49am
MANILA, Philippines – Pumanaw na ngayong Huwebes ng madaling araw ang 63-anyos na si Angelito San Juan, ang tenant ng sumabog na Two Serendra Unit 501-B.
Sinabi ni Raymond Fortun, abogado ng may-ari ng unit na si Mariane Cayton, multiple organ failure ang ikinamatay ni San Juan sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig. Idineklara siyang patay ganap na 12:20 ng madaling araw.
Umakyat na sa apat ang mga nasawi dahil sa pagsabog, kabilang ang tatlong tauhan ng Abenson na nabagsakan ng pader na tumalsik mula sa Unit 501-B dahil sa malakas na pagsabog noong Mayo 31 ng gabi.
Nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na liquefied petroleum gas (LPG) ang sanhi ng pagsabog sa naturang yunit, ngunit hindi naman binanggit kung sino ang dapat managot sa insidente.
Kaugnay na balita: Hindi bomba ang sumabog sa Two Serendra - Roxas
Napagdesisyunan na ng pamunuan ng Serendra na permanente nang isara ang LPG system sa One Serendra at Two Serendra condominiums upang maiwasan na maulit ang insidente.
Kaugnay na balita: LPG system ng Serendra isinara na
"Serendra, Inc., developer of Serendra, has advised the Serendra Condominium Corporation that it strongly recommends a permanent closure of the Liquefied Petroleum Gas (LPG) system. The developer also disclosed that its position is borne out of its inability to fully control and ensure the continuing compliance by individual unit owners with the required safety measures within their units," pahayag ng Serendra Inc.
"Mindful that its position may be unpopular and inconvenient for the Serendra community, the developer nonetheless considers the safety of the community as the paramount consideration for its recommendation," dagdag ng Serendra.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended