MANILA, Philippines – Ipinapasara na ng Seredra Incorporation ang Liquefied Petroleum Gas (LPG) system sa One Serendra at Two Serendra condominiums sa Bonifacio Global City, Taguig, upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng nakatira kasunod ang pagsabog ng isang unit noong Mayo.
"Serendra Inc., developer of Serendra, has advised the Serendra Condominium Corp. that it strongly recommends a permanent closure of the Liquefied Petroleum Gas (LPG) system. The developer also disclosed that its position is borne out of its inability to fully control and ensure the continuing compliance by individual unit owners with the required safety measures within their units," pahayag ng pamunuan ng Serendra Inc.
"Mindful that its position may be unpopular and inconvenient for the Serendra community, the developer nonetheless considers the safety of the community as the paramount consideration for its recommendation," dagdag ng Serendra.
Kinumpirma ni Jorge Marco, pinuno ng Ayala Land Inc. corporate communications, na permanente nang isasara ang LPG system at inaabisuhan ang lahat ng residente na gumamit na lamang ng electric stove.
"Yes it is permanent. There was always an option to go electric," sabi ni Marco.
Noong Hunyo 8 ay ipinasara ang supply ng LPG sa Serendra upang imbestigahan ang sistema nito.
Tatlong katao ang nasawi sa pagsabog, habang sugatan ang nakatira sa Unit 501 na si Angelito San Juan.
Samantala, hindi naman nagustuhan ng kampo ng may-ari ng sumabog na unit na si Mariane Cayton ang paninisi ng Ayala Land sa mga residente nila. Kaanib ng Serendra ang Ayala Land Inc.
"The legal implication is that Ayala itself is not confident in the gas system. They cannot put the blame on the unit owners to comply with the safety measures such as maintenance and working condition of gas detectors," sabi ng abogado ni Cayton na si Raymond Fortun.
"As the building manager, Ayala has the authority and power to conduct periodic checks of these safety devices or demand compliance with them. Even government agencies have the power to conduct inspections, why not the building manager?" dagdag ng abogado.
Sinabi pa ni Fortuna na sa pag-aabiso ng Ayala Land na gumamit na lamang ng electric stoves ay sinasabi nitong hindi maaasahan ang kanilang LPG system.
"By shifting to electric despite an ability to make periodic checks, Ayala impliedly admits that their gas system is unreliable and should be shut down," ani Fortun.