MANILA, Philippines – Nanawagan si Bise Presidente Jejomar Binay ngayong Miyerkules sa mga ilegal na overseas Filipino workers sa Saudi Arabia na gamitin ang binigay na palugit upang asikasuhin ang mga papeles sa embahada.
“I appeal to our kababayans to utilize this additional time given them to submit all the needed requirements to the Philippine Embassy,†sabi ni Binay kasunod ng pagpapalawig ni King Abdullah ng deadline sa apat na buwan.
Iniusog ang deadline para makapag-ayos ng mga papeles ang mga ilegal na dayuhan sa Saudi Arabia upang maiwasan ang pagpapauwi sa kanila.
Samantala, sinabi naman ng Blas F. Ople Policy Center, non-government organization na tumutulong sa mga isyu ng migration at trabaho, na sapat na ang bagong deadline na Nobyembre 4 upang maisaayos ng mga OFW ang kanilang mga papeles.
Dagdag ng grupo na ang pagpapalawig ng deadline ay mainam din para sa mga Pilipinang manganganak sa Saudi Arabia.
"The deadline extension gives our embassy more time to help these women and their children out but they would also have to cooperate because the welfare of their children is paramount and the repatriation process can be quite tedious," said Susan Ople, head of the policy center.
Sinimulan ng gobyerno ng Saudi Arabia ang “Saudization†policy kung saan layunin nilang malinis ang kanilang bansa mula sa mga ilegal na dayuhan at iprioridad ang mga mamamayan nila sa trabaho.