MANILA, Philippines – Hindi pa rin alam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang eksaktong petsa ng pagbitay sa Pilipina na nahuling nagpuslit ng droga sa China.
Sinabi ni Raul Hernandez, tagapagsalita ng DFA, na wala pa silang natatanggap na balita kung anong araw, oras, bibitayin ang Pinay na nakuhaan ng 6.918 na kilo ng heroin.
"We have not yet received any specific date or time for the execution of our kababayan (in China)... but it seems that it is very imminent," sabi ni Hernandez sa isang televised press briefing ngayong Martes.
Naunang sinabi ni Hernandez na maaaring bitayin ang Pinay sa pamamagitan ng lethal injection bukas, Hulyo 3.
Sumulat na si Pangulong Benigno Aquino III upang iapela kay Chinese President Xi Jinping na huwag nang ituloy bitayin ang Pilipina at ikulong na lamang.
Samantala, binista kahapon ng kamag-anak ng bibitaying Pinay sa kulungan niya sa Hangzhou.