^

Balita Ngayon

Noy: Promotion para sa gunless lady cop na umaresto sa kawatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na inirekomenda ni Pangulong Benigno Aquino III ang promotion ng isang babaeng pulis matapos siyang makaaresto ng isang kawatan kahit walang baril.

Pinuri ni Aquino si Police Officer 2 Edlyn Arbo sa kanyang talumpati para sa official turnover ng mahigit 20,000 bagong baril sa mga pulis na wala pang service firearms sa Camp Crame ngayong Martes.

Dinakip ni Arbo ang isang holdaper, na nakilalang si Christopher Berana, sa loob ng kanyang sinasakyang jeep sa Sta. Mesa, Maynila noong Abril 4.

Nagdeklara ng holdap si Berana, na armado ng kutsilyo, sa loob ng jeep na halos lahat ng mga sakay ay babae, kabilang si Arbo.

Kaugnay na balita: Lady cop nakipaglaban sa holdaper, pinarangalan

Ginamit ni Arbo ang kanyang kaalaman sa martial arts upang madisarmahan si Berana.

Nakatakbo ang holdaper ngunit hinabol pa rin siya ni Arbo kahit na nasaksak sa kanyang kaliwang hita.

"Hindi niya inalintana ang kawalan ng baril at natamong sugat sa engkuwentro. Tapang, pananagutan, at kasanayan bilang pulis ang tanging sandata niya para panagutin ang holdaper. Kita naman po n’yo ang kababaihan," papuri ni Aquino kay Arbo.

Dahil sa katapangan na ipinamalas ni Arbo ay nakatanggap siya ng Medalya ng Sugatang Magiting.

Tumanggap din ng parangal ang babaeng pulis mula sa iba’t ibang award giving bodies at mga non-government organization.

"The heroic act of PO2 Arbo is indeed exceptional as she showed that gender is not a hindrance to becoming the organization's pride. This incident is a classic example of a police's heroism, ready to risk life and limb to uphold the law and defend others from danger and harm," pahayag ng PNP Secure and Fair Elections (SAFE) 2013 sa kanilang Facebook page.

Inirekomenda rin ni Aquino na bigyan ng promosyon si PO2 Felipe Moncatar na nakadakip din ng kriminal kahit walang armas.

"Saludo ang buong bayan sa inyong katapangan at pananagutan; at sa buong hanay ng ating kapulisan na walang pinipiling sitwasyon at pagkakataon upang maglingkod sa kapwa at bansa," sabi ni Aquino.

“‘Yong mga ganyang gandang gilas palagay ko naman ay talagang naman yan ang definition ng meritorious promotion, see to it that these two are promoted," sabi ni Aquino.

AQUINO

ARBO

BERANA

CAMP CRAME

CHRISTOPHER BERANA

EDLYN ARBO

FELIPE MONCATAR

PANGULONG BENIGNO AQUINO

POLICE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with