MANILA, Philippines – Pinatunayan ni Nancy Binay na may ibubuga siya sa Senado matapos maghayin kaagad ng 15 panukala sa unang araw niya bilang senador ngayong Lunes.
Sinabi ni Binay na isinasakatuparan niya lamang ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.
"This is the time I start working on the promises I made during the campaign. This is part of my advocacy and UNA's legislative agenda that I promised to pursue," pahayag ng baguhang senador.
Kabilang sa mga inihayin ni Binay ay ang; The Employers Child Care Centers Act of 2013; Parents in Jail Act of 2013; Special Education Act of 2013, Women's and Children's Resource Development and Crisis Assistance Act of 2013; The Indigent Children Free Medical and Dental Service Act; Firecracker Safety Law; Women at Gender Education Act.
Ipinasa rin ni Binay ang mga: The Anti-Corporate Punishment Act of 2013; The E-Vaw Law of 2013, Rest Period for Women Employees; Sex Offenders School Access Prohibition Act; Philippine Arbitration Commission Act of 2013; Petroleum Exploration and Development Act; Sugar Cane Industry Development Act of 2013 at ang Food Fortification Act.
Samantala, apat na panukala naman kaagad ang isinalang ni poll topnotcher Grace Poe sa unang araw niya bilang senador.
Tinutukan kaagad ni Poe ang nutrisyon ng mga estudyante, industriya ng pelikula, overseas Filipino Worker at coconut farmers.
Una niyang inihayin ang “Sustansiya sa Batang Pilipino†program kung saan layunin nitong magkaroon ng libreng masusustansyang pagkain para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng programa ay bibigyan ng libreng pagkain ang mga estudyante ng kindergarten at elementary, habang ang junior high school ay magkakaroon din sa ikatlong taon ng pagpapatupad, habang sa ikaapat na taon naman maisasama ang mga nasa high school.
“Hunger and malnutrition must be addressed, especially among children, now,†sabi ni Poe na tinukoy din ang pag-aarala ng United Nations na anim na milyong kabataan ang malnourished.
Marami ang bumatikos kay Binay dahil sa wala nitong karanasan sa pulitika, pero nagawa nitong makalapag sa panlimang puwesto sa senatorial race na may 16,812,148 na boto, habang si Poe ang nanguna na may higit 20 milyong boto.