^

Balita Ngayon

Agham Road puno ng 'professional squaters' - QC mayor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mga “professional squatters” na lamang ang nanatili sa Agham Road sa Quezon City, ayon kay Mayor Herbert Bautista ngayong Lunes.

Sinabi ni Bautista na nakatanggap siya ng intelligence report na may nangungolekta sa lugar ng P1,000 kada pamilya para sa “proteksyon” sa demolisyon.

"May notice po sila kasi 'yung unang notice na nanggaling dyan is that lahat ng resulta ng consultation na ginawa ng government ...so lahat ng mga pangyayari dyan after the election ay magse-self- demolish ho sila,” ani Bautisa sa isang panayam sa radyo.

 "May isang organization dyan, ang intelligence report po natin na naniningil ng  tig P1,000 daw isang grupo dyan sa bawat isang pamilya dyan na ipaglalaban sila  so ito yung mga nanggugulo ngayon...mga professional squatters po ang mga ito," dagdag ng alkalde ng Quezon City.

Kaugnay na balita: Dumi ng tao ipinukol ng mga raliyista sa anti-riot cops sa QC

Nilinaw naman ni Bautista na may disenteng tirahan na lilipatan ang mga maaapektuhang residente ng Agham Road.

"Yung 8,000 beneficiaries ay nalipat na po. Ang mga naiwan na po dyan ay yung mga di naman talaga beneficiaries na pinagkakakitaan nila yung lupa na 'yan," sabi ni Bautista.

Aniya nitong Linggo pa natapos ang self-demolish notice ng mga informal settlers kung saan tatlong taon ang ibinigay sa kanila para lisanin ang lugar mula noong Setyembre 2010.

"Kung papayag silang magpa-relocate, mare-relocate sila. Very lenient naman po ang national goverment for the past three years ang NHA napakabait," pahayag ng alkalde.

Sinabi pa ni Bautista na makikinabang din ang ilang residente sa gagawing gusali ng pribadong kompanya dahil magbubukas ito ng trabaho bilang construction worker

vuukle comment

AGHAM ROAD

ANIYA

BAUTISA

BAUTISTA

DUMI

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with