Dumi ng tao ipinukol ng mga raliyista sa anti-riot cops sa QC

MANILA, Philippines – Nauwi sa kaguluhan ang isang demolisyon sa Quezon City matapos mambato ang mga informal settlers ngayong Lunes.

Naghagis ng bote, bato, pillbox, maging mga dumi ng tao ang mga informal settlers upang paatrasin ang mga Quezon City Police District anti-riot policemen na tatanggalin sana ang barikada sa panulukan ng Agham Road at Quezon Avenue.

Nagsimulang gumawa ng barikada ang mga informal settlers bandang alas-8 ng umaga matapos malaman na sisimulan ang demolisyon ngayong araw.

Nauwi pa sa pagpapaputok ng warning shots ang mga awtoridad.

Samantala, itinanggi naman ng Quezon City police na may nakatakdang demolisyon sa lugar.

 

Show comments