7 katao tiklo sa raid sa Batangas shabu tiangge

MANILA, Philippines – Timbog ang pitong katao sa isinagawang raid sa hinihinalang shabu tiangge sa Batangas ngayong Biyernes.

Nakapasok ang mga miyembro ng Batangas police intelligence and Public Safety Command sa pitong kabahayan sa Barangay Magihan, Lemery sa bisa ng search warrant na inilabas ng Lemery Regional Trial Court branch 5.

Nasamsam sa shabu tiangge ang hindi pa matukoy na dami ng shabu at iba’t ibang armas.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang pitong suspek at isasailalim sa interogasyon.

Show comments