MANILA, Philippines – Hiniling ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ngayong Biyernes sa publiko na respetuhin ang privacy ng pamilya ni Cagayan de Oro City Rep. Jose "Benjamin "Benjo" Benaldo na umano’y sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.
"Right now the incident continues to be thoroughly investigated and I hope that we all respect the privacy of the family at this time and avoid any other speculations," pahayag ni Belmonte ngayong Biyernes.
Kumalat ang mga haka-hakang hindi matanggap ni Benaldo ang kanyang pagkatalo sa eleksyon.
Kahapon ng gabi ay isinugod sa New Era hospital si Benaldo matapos matagpuang sugatan at duguan ng kanyang mga staff sa loob ng kuwarto sa House of Representatives.
"He had sustained a gunshot wound to the chest, which now indicated he attempted to take his own life," sabi ni Belmonte.
Nasa ligtas na kalagayan na ngayong si Benaldo at nagpapagaling sa St. Luke’s Medical Center.
Samantala, sinabi ni House Deputy Speaker Miro Quimbo na may pinagdaraanang “painful experience†si Benaldo.
"Hindi naman maipagkakaila na [meron siyang pinagdadaanan]. Siyempre hindi siya nanalo sa re-election niya, tingin ko napakamahapdi para sa kahit sinong lingkod-bayan. Hindi baleng hindi ka nanalo but if you are not re-elected, that's a very painful experience," ani Quimbo, na kinatawan ng Marikina City, sa isang panayam sa radyo. who is a Marikina City representative.
Iniutos na ni Belmonte ang pagkuha ng full repoty mula sa House sergeant-at-arms na nakikipagtulungan sa Quezon City Police Department (QCPD).
"Benjo has not disclosed his reasons for what happened and may do so at the right time," sabi ni Belmonte.
"What is important is that he is alive and in recovery which we all are grateful for," dagdag ng house speaker.
Sinabi naman ng hepe ng QCPD na si Senior Superintendent Richard Albano na maaaring maharap sa kasong alarm and scandal si Benaldo sa kanyang ginawang pagpapakamatay.
Kaugnay na balita: Benaldo maaaring makasuahan matapos mag-'suicide'
"Posible rin (na kakasuhan) kung may magku-complain. As of now, wala pa kaya wala akong masasabi," pahayag ni Albano sa hiwalay na panayam sa radyo.
Aniya wala namang nakitang foul play sa lugar nang insidente.
"Walang ibang daan na puwedeng pumasok ang ibang tao o umalis, isa lang ang pasukan o daanan. Ating ni-rule out ang foul play," sabi ng hepe ng QCPD.
Tatlong linggo na ang nakakaraan ay naging matunog ang pangalan ni Benaldo at ng kanyang Brazilian model at part-time actress na si Diana Menezes dahil sa umano’y isyu ng violence against women.