^

Balita Ngayon

1 patay, 6 sugatan sa pag-atake ng hinihinalang NPA sa Mt. Prov

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Isang pulis ang patay at anim pa ang sugatan matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army habang nagdya-jogging ngayong Biyernes ng umaga sa Tadian, Mt. Province.

Sinugod ng NPA ang grupo ng pulis na aabot sa 100 at pawang mga walang dalang armas kung saan ang ilan pa ay dinukot bilang hostage bandang 5:45 ng umaga.

Sinabi ni Senior Superintendent Dave Limmong ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) na nag-eensayo ang mag pulis at pawang walang mga armas ng atakehin ng mga rebelde.

”Our policemen are on a scout training. They were unarmed when attacked. They were jogging, afterwhich, they were scheduled to eat their breakfast. We deplore the premeditated and treacherous act. The rebels should know that the persons they were attacking are their co-residents in the Cordillera region,” sabi ni Limmong.

Miyembro ng Philippine National Police Special Counter-insurgency Operation Unit ang mga biktima.

Dagdag ni Limong na nagpakalat na ng puwersa ang pulisya sa Barangay Kabunagan, 90 kilometro hilaga-silangan ng regional police headquarter sa Camp Bado Dangwa, Benguet upang magsagawa ng imbestigasyon.

Samantala, isinugod sa ospital sa Bauko, Mt. Province ang mga sugatang pulis.

BARANGAY KABUNAGAN

BAUKO

BENGUET

CAMP BADO DANGWA

MT. PROVINCE

NEW PEOPLE

OPERATION UNIT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL COUNTER

POLICE REGIONAL OFFICE CORDILLERA

SENIOR SUPERINTENDENT DAVE LIMMONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with