MANILA, Philippines – Isang kasambahay sa Saudi Arabia naman ngayon ang kumukuwestiyon sa kredebilidad ng isa sa mga testigo laban kay Riyadh assistant labor attaché Antonio "Tony" Villafuerte na umano’y may kinalaman sa “sex-for-flight†scheme sa Gitnang Silangan.
Sinabi ng isang overseas Filipino worker na nakilala lamang sa pangalang “Irene†na binayaran umano ang testigong si “Michelle†upang sirain ang pangalan ni Villafuerte.
"Ngayon ko lang naisip na 'yun pala, may binabalak siya," pahayag ni Irene sa isang panayam sa radyo.
Dagdag ni Irene na nakasama niya sa tirahan si Michelle noong Abril habang inaantay maayos ang kanilang pag-uwi.
"Alam kong siya ang naninira kasi sa pagkatao niya, sa background niya at sa mga pinapakita niyang kilos rito, alam kong hindi magagawa ni Sir Tony 'yun," sabi ni Irene.
Inihayag ni Michelle na inalok siya ni Villafuerte na mag part-time job bilang sex worker para sa isang Egyptian kapalit ng tiket ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Dagdag ni Michelle na sa halip na bastusin siya ng Egyptian, ito pa ang tumulong sa kanya upang makauwi ng bansa.
Pero sinabi ni Irene na may relasyon si Michelle at ang Egyiptian dahil ilang beses niyang nakita na magkasama ang dalawa.
"Dahil pinupuntahan niya (yung Egyptian) sa POLO-OWWA (Philippine Overseas Labor Office) ... Yun ba ang tumulong lang?" ani Irene.
Itinanggi ni Michelle ang mga akusasyon sa kanya ni Irene sa hiwalay na panayam sa radyo.
Aniya nagtataka siya kung bakit ipinagtatanggol ni Irene si Villafuerte gayung maraming tao ang may alam na galit ang kasambahay sa labor official.
"Maraming saksi kung gaano siya kagalit kay Villafuerte, dati pa po," sabi ni Michelle.