MANILA, Philippines – Kinakailangan nang magpasa ng biometric fingerprint specimen at larawan upang makakuha ng permit to carry firearm outside of residence (PTCFOR), ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes.
Sinabi ng PNP na kailangan ang mga ito upang maayos ang talaan sa database ng Firearms Information Management System para sa tamang pagbibigay ng lisensya ng mga baril.
Ayon naman kay Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac, pinuno ng PNP Public Information Office, nais nilang mapaigting ang kanilang kampanya kontra sa mga pabayang may-ari ng baril at sa "loose firearms.â€
Isang paglimas sa mga nagkalat na loose firearms sa bansa ay isa sa mga epektibong paraan na isinasagawa ng PNP upang masugpo ang kriminalidad sa bansa.
Ipinapatupad pa rin ng PNP ang “Oplan Katok†sa mga bahay ng mga gun owners upang masiguro na hindi pa paso ang lisensya ng kanilang mga baril.
Sinabi ng PNP na umabot na sa 464,996 na bahay ang kanilang nabisita sa nakalipas na anim na buwan upang ipaalala sa mga may-ari ng baril na irehistrong muli ang mga pasong lisensya ng mga baril.