Pacquaio bumaba sa listahan ng 'most powerful celebs' ng Forbes
MANILA, Philippines – Pasok pa rin si Filipino boxing idol Manny Pacquiao sa 100 "most powerful" celebrities ng Forbes Magazine sa kabila ng dalawang sunod ang pagkatalo niya nitong nakalipas na taon.
Kahit pasok, malaki naman ang ibinaba ni Pacquiao sa listahan. Mula sa ranking na 33 sa "most powerful" celebrity list, bagsak ang Pinoy boxer sa ika-78 na puwesto.
Pero kahit bumaba, naungusan pa rin naman ni Pacquiao ang wala pang talong Amerikanong boksingero na si Floyd Mayweather Jr. na nasa pang-88 puwesto.
Sinabi ng Forbes sa website nito (Forbes.com) na ang talaan ay "based on entertainment-related earnings plus media visibility (exposure in print, television, radio and online).
"To compile our earnings numbers, we talk to industry insiders, including agents, lawyers, producers and other experts, to come up with an estimate for what each celebrity earned between June 1, 2012, and June 1, 2013," dagdag ng Forbes.
Base sa talaan ng Forbes hanggang Hunyo 2013 ay $34 milyon na ang kinita ni Pacquiao. Ang Pinoy boxer ay pang-14 na "highest paid athlete" sa buong mundo, base pa rin sa listahan ng Forbes Magazine.
Ang eight-division champion na si Pacquiao ay 57th sa may pinakamalaking kinitang pera, 82nd sa telebisyon at radyo, 81st sa mga mamamahayag, 56th sa social at 60th sa marketability.
Sinabi pa ng Forbes na kumita ang laban ni Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong Disyembre ng $1.1 milyon sa pay-per-view at tinatayang nakakuha ang Saranggani representative ng $26 milyon.
Naungusan din ng 34-anyos na si Pacquaio sa “celebrity power†list si Harry Potter creator J.K. Rowling, mga artistang sina Alec Baldwin, Neil Patrick Harries, Sandra Bullock, director na si Joss Whedon, at modelong si Miranda Kerr.
Nananatili pa rin sa tuktok ng listahan ang talk show host na si Oprah Winfrey.
- Latest
- Trending