20 estudyante sa Mandaluyong sinapian, klase kinansela

MANILA, Philippines – Kanselado ang klase sa isang pampublikong elementary school sa Mandaluyong City ngayong Huwebes matapos umanong sapian ang 20 estudyante rito.

Ilan sa mga biktimang estudyante ng Isaac Lopez Elementary School sa Barangay Vergara ay bigla na lamang nagsisisigaw at ang iba naman ay hinimatay sa loob ng silid-aralan.

Kaagad sumugod ang mga guro sa silid-aralan upang pigilan ang mga umano’y nasapian na saktan ang isa’t isa.

Apat na estudyante ang nagsabing nakakita sila ng imahe ng babae at anak nito, pati ng isang lalaking nakaitim na damit.

Dahil sa takot at komosyon na dala ng insidente ay sinuspinde ng pamunuan ng paaralan ang klase.

Show comments