Kagawad na tulak ng droga tiklo sa Tacloban
MANILA, Philippines - Tiklo sa sting operation ang isang barangay kagawad na tulak din ng ilegal na droga sa Tacloban City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes.
Pinangalanan ni PDEA director general Arturo G. Cacdac Jr. ang suspek na si Melvin Garpin Gerilla, 36, ng 254 Sta. Cruz Tacloban City.
Isinagawa ng PDEA Regional Office 8 ang buy-bust operation noong kamakalawa sa Barangay 57, White Lane, Sampaguita, Tacloban City kung saan apat na malalaking pakete ng shabu ang nakuha kay Gerilla.
Dinala na sa Philippine National Police Crime Laboratory Office 8 ang nakuhang shabu, na aabot ang halaga sa P70,000, para suriin.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II mg Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest
- Trending