MANILA, Philippines – Utas ang isang bata matapos makidlatan habang naglalaro sa loob ng isang paaralan sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay nitong Martes ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Alberto Paras Selen Jr., 13, residente ng Purok 1, Barangay Nazareth.
Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, nakikipaglaro ang biktima sa kanyang dalawang kaklase sa loob ng Nazareth Elementary School bandang 4:30 ng hapon.
Kahit bumuhos na ang matinding ulan ay hindi sumilong si Selen kaya naman natamaan siya ng kidlat.
Nasawi ang biktima habang isinusugod sa Kabasalan Pathfinder Estate Hospital.