^

Balita Ngayon

Oil factory ipapasara ng Manila city hall

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniutos na ng pamahalaang lokal ng Maynila ngayong Miyerkules ang pagpapasara ng kompanya na may kinalaman sa pagkalat ng langis sa ilog Pasig.

Napag-alamanan ng mga awtoridad na walang permit ang Lorraine Marketing na mag-imbak ng gamit na langis sa Old Panaderos, Sta. Ana, Manila.

Sisilipin din nila ang iba pang papeles ng Lorraine Marketing kung paano ito nakalusot at napatakbo kahit kulang sa mga kaukulang permit.

Balak din ng lokal na pamahalaan na silipin ang records ng iba pang kompanya sa lugar upang maiwasan na maulit ang insidente.

Naging sakit sa ulo ng mga residente ang mabahong amoy ng langis na kumalat sa ilog, kung saan ang iba ay dinala pa sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.

 

BALAK

IBA

INIUTOS

LORRAINE MARKETING

MAYNILA

MIYERKULES

NAPAG

OLD PANADEROS

PASIG

SISILIPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with