MANILA, Philippines – Tatanggap si Caceres Archbishop Rolando Tirona sa Sabado ng “pallium†mula kay Pope Francis para maging tanging Pilipinong arsobispo na tatanggap ng “most special symbol†ng simbahang Katoliko sa taong ito.
Sa balitang lumabas sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), dumating nitong kamakalawa si Tirona sa Rome para dumalo sa Papal Mass at pagbibigay ng pallium sa mga bagong arsobispo sa buong mundo.
"The pallium is a vestment made of white wool only worn by the pontiff and by archbishops. The pope uses the pallium to symbolize the plenitude of pontifical office," sabi sa balita.
"For archbishops, it signifies the authority given to them by the pope over their respective archdioceses, particularly their bond and shared responsibility with the pontiff to pastors in their regions," dagdag nito.
Ibinibigay ng Santo Papa ang pallium sa mga bagong arsobispo sa bong mundo tuwing kapistahan ni St. Peter at St. Paul.
Si Tirona lamang ang tanging Pilipinong arsobispo na makakakuha ng pallium ngayong taon at kauna-unahang Pinoy na makakatanggap nito mula kay Pope Francis.
Sinabi ng CBCP na ang 66-anyos na Carmelite missionary ang huling arsobispong itinalaga ni Pope Emeriuts Benedict XVI noong nakaraang taon bago bumaba sa kanyang puwesto.
Igagawad ng pallium sa mga bagong metropolitan na arsobispo sa St. Peter’s Basilica sa ganap na 9:30 ng umaga (3:30 ng hapon sa Maynila) sa Linggo.