^

Balita Ngayon

115 student-athletes ng Phl sasabak sa ASEAN Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutulak patungong Hanoi, Vietnam ang 115 estudyanteng atleta para lumahok sa 5th Association of South East Asian Nations mula Hunyo 22 hanggang 30, ayon sa Department of Education ngayong  Biyernes.

"We wish our athletes good luck and remind them that they are not only competitors but our ambassadors of goodwill," pagbati ni Education Secretary Armin Luistro.

Sinabi ni Luistro na para na ring insentibo sa mga batang atleta, na pawang mga nanalo ng gold, silver, bronze medals sa Palarong Pambansa 2013, ang pagpunta sa ibang bansa upang magkaroon ng international exposure.

Inaasahan na aabot sa higit 1,500 atleta at coach ang lalahok sa ASEAN School Games na kabibilangan ng mga bansang Pilipinas, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam.

Magtatagisan ng lakas ang mga atleta sa siyam na laro: track and field, sepak takraw, swimming, badminton, basketball, gymnastics, table tennis, volleyball at pencaksilat.

Sa susunod na taon ay sa Pilipinas gagawin ang ASG.

 

 

ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASIAN NATIONS

BIYERNES

BRUNEI

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

HUNYO

INAASAHAN

PALARONG PAMBANSA

PILIPINAS

SCHOOL GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with