Klase sa Batangas City suspendido

MANILA, Philippines – Kanselado ang klase sa elementarya at high school sa lungsod ng Batangas ngayong Biyernes dahil sa matinding pagbuhos ng ulan.

Sinabi ni Viicente Tomasar, director ng Office of Civil Defense sa Calabarzon, na nagdeklara ng suspensyon ng klase ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Batangas para sa mga pampublikong paaralan.

"Batangas City informed us that due to heavy rains, they decided to suspend classes in the elementary and high school levels," ani Tomasar.

Dagdag ni Tomasar na sinuspinde rin ng mga pribadong paaralan ang kanilang mga klase.

 

Show comments