MANILA, Philippines – Darating sa bansa and dating NBA-All Star guard na si Stephon Marbury upang bisitahin ang kanyang mga fans at pag-usapan ang paglulunsad ng kanyang sapatos ngayong taon.
Ipinabatid ni Marbury sa kanyang agent na si Sheryl Reyes ang kanyang pagkagalak sa pagdating sa Maynila sa Hunyo 25 upang makita ang mga solid basketball fans.
“I can’t wait to be there. I’ve been told how crazy about basketball Filipinos are. I can’t wait to say hello to everyone in a couple of days,†sabi ni Marbury na 4th overall pick noong 1996 NBA Draft.
Umaasa si Marbury na makakagawa siya ng marka sa Pilipinas tulad nang nagawa niya sa China kung saan pinangunahan niya ang kanyang koponan na Beijing Ducks sa kampeonato. Hinirang din siya bilang Chinese Basketball Association All Star MVP noong 2010.
“I hope I’d get to share my knowledge as a player not just in China or the Philippines, but all over Asia,†ani Marbury. “I’ve seen a lot of talented players in the Asian level and I won’t be surprised if more Asian players, including Filipinos, will one day make it to the NBA.â€
Samantala, gumawa ng isang brand ng Sapatos si Marbury na aniya’y magiging abo’t kaya.
“Growing up in the United States, my mom had a difficult time buying me a pair of shoes because of how expensive it was. So I decided to come up with this new shoe line made affordable to everyone,†pahayag ni Marbury.
“Instead of buying a pair of shoes worth $150, you can buy Starbury shoes at a more affordable price. You can now have a chance of getting not just a pair, but five pairs of shoes.â€
Gagawin ang fans day ni Marbury sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) sa Martes.