Pinuno ng PAGASA nagbitiw

MANILA, Philippines – Opisyal nang nagbitiw sa puwesto ang pinuno ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ayon sa isang opisyal ng weather bureau ngayong Miyerkules.

Inianunsyo ni PAGASA officer-in-charge Vicente Malano sa isang pulong balitaan ang pagbaba sa puwesto ni Dr. Nathaniel Servando bilang administrator ng state weather bureau.

Dagdag ni Malano na nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang dating boss, kung saan pinagsasalamatan niya ang lahat ng nakatrabaho sa PAGASA.

Nauna nang naghayin ng tatlong-buwan na leave si Sevando noong Pebrero dahil sa aniya’y problema sa kalusugan at “others.”

Kamakailan lamang ay naglabasan ang mga ulat na tinaggap ni Sevando ang trabaho bilang propersor sa Dubai upang masustentuhan ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang anak.

Samantala, kumpiyansa naman ang administrasyong Aquino na hindi maaapektuhan ang operasyon ng PAGASA dahil may sapat na tauhan ito.

"Confident naman po tayo dun sa kakayahan ng mga forecasters natin. We have new forecasters that are coming in and are also looking out to prove their mettle and, hopefully, they will work out," pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte noong nakaraang linggo.

"If someone wants--not just the weather forecasters--if someone wants to seek greener pastures for himself or for his family, hindi naman po natin pwedeng pigilan 'yon," dagdag ni Valte.

 Isang propesor naman sa University of the Philippines ang nagsabing walang kakulangan ng meteorologists sa bansa.

 â€œYou don’t need to have a degree in meteorology to work in PAGASA,” sabi ni Rene Rollon, pinuno ng UP Institute of Environmental Science and Meteorology (IESM).

 

Show comments