5 kilo marijuana nasabat ng mga sekyu ng Victory Liner

MANILA, Philippines – Halos limang kilo ng marijuana ang nasabat sa isang istasyon ng bus sa Baguio City, ayon sa pulisya ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Baguio City police director Senior Superintendent Jesus Cambay na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang security guard ng Victory Liner terminal sa Barangay Marcoville na may nakuha silang anim na bloke ng marijuana.

Dagdag ni Cambay na naharang ng security guard na si Rommel Ollero ang isang lalaking magpupuslit sana ng marijuana na may timbang na 4.350 kilo at may halagang P108,750 nitong Martes ng gabi.

Dumaan sa main gate ng Victory Liner ang lalaki ngunit tumangging ipainspeksyon ang dalang bag sa mga security guard.

Kinuha ng mga security guard ang bag habang tumakas ang suspek.

Ibinigay na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nakumpiskang bloke ng marijuana.

 

 

Show comments