MANILA, Philippines – Binalot ng takot ang Ospital ng Makati ngayong Miyerkules umaga matapos makatanggap ng bomb threat.
Sinabi ni Senior Superintendent Manuel Lukban, hepe ng Makati police, nakatanggap ng text message ang isang nars ng Ospital ng Makati bandang 8:40 ng umaga na nagsasabing may nakatanim na bomba sa loob ng gusali.
"Psst. Saan nyo gusto ko ilagay bomba? Ah mas maganda hanapin nyo n lng!, Gudluck umpisahan nyo n2 oras meron kayo," sabi ni Lukban base sa text message na natanggap ng nars mula sa isang MML.
Napagdesisyunan ng pamunuan ng ospital na ilikas ang mga pasyente at tauhan nila.
Rumesponde kaagad ang explosive and ordinance division ng Makati Police kung saan may natagpuan silang kahina-hinalang bag sa loob ng banyo ng ikalawang palapag ng ospital.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis.