Emong patuloy na pinaiigting ang habagat
MANILA, Philippines – Patuloy na uulanin ang Metro Manila dahil sa bagyong “Emong†na nagpapalakas sa habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules.
Sa inilibas na weather bulletin ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga, namataan ang mata ng bagyo may layong 420 kilometro sa silangang bahagi ng Basco, Batanes.
May lakas ang bagyo na 75 km per hour at pagbugso na aabot sa 90 kph, habang gumagalaw ito pahilaga sa bilis na 19 kph.
Magiging maulap sa buong Luzon na may katamtaman hanggang malakas na pagbuhos ng ulan na may kasamang pagkulog at kidlat. Nagbabala ang PAGASA na ang mga pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Maulap din sa Visayas, Zamboanga Peninzula, hilagang Mindanao at Caraga na makakaranas din ng mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan na may pagkulog at kidlat.
May pakalat-kalat na pag-ulan naman na may kasamang pagkulog at kidlat sa nalalabing bahagi ng Mindanao.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Emong bukas.
"Tropical Storm 'Emong' is still far to directly affect any part of the country. However, it will enhance the Southwest Monsoon which will bring moderate to occasionally heavy rains and thunderstorms over Southern Luzon, Visayas and Northern Mindanao," pahayag ng ahensya kahapon.
- Latest
- Trending