'Emong' ganap nang bagyo - PAGASA
MANILA, Philippines – Ganap nang naging bagyo si “Emong†habang tinatahak nito ang pahilagang direksyon ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pinakabagong bulletin ng PAGASA ngayong Martes ng hapon, namataan ang Tropical Storm na si Emong sa 460 kilometro silangan ng Isabela, Cagayan bandang 10 ng umaga.
May lakas ang bagyo na 65 kilometro kada oras at aabot sa 80 kilometro kada oras ang bugso nito.
Inaasahang gagalaw ito pahilaga sa bilis na 19 kilometro kada oras at darating sa 830 kilometro hilaga-silangan ng Basco, Batanes, palabas ng PAR ng Huwebes.
"Tropical Storm 'Emong' is still far to directly affect any part of the country. However, it will enhance the Southwest Monsoon which will bring moderate to occasionally heavy rains and thunderstorms over Southern Luzon, Visayas and Northern Mindanao," pahayag ng ahensya.
Inabisuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na iwasan ang hilaga at silangang bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Katimugang Luzon dahil sa malalaking alon na dulot ni Emong.
Kaninang umaga ay sinabi ng ahensya na asahan na magiging maulan sa Metro Manila hanggang Biyernes dahil sa hanging habagat.
Kaugnay na istorya: Metro Manila uulanin hanggang weekend - PAGASA
- Latest
- Trending