^

Balita Ngayon

Spurs kinuha ang 3-2 lead kontra Heat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Antonio Spurs upang angkinin ang world title matapos daigin ang defending champion Miami Heat, 114-104, sa Game 5 ng NBA Finals sa AT&T Centre ngayong Lunes.

Nakuha ng Spurs ang commanding 3-2 lead sa best-of-seven na serye dahil sa mainit na performance ni Manu Ginobli na nagtala ng double-double output na 24 points at 10 assists. Umambag din si Tim Duncan ng 17 markers at 12 boards.

Matapos burahin ng Heat ang 20-point lead at ibaba ito sa walo, 101-109, rumesponde kaagad ng layup ang beteranong guard na si Tony Parker bago isinara ni Danny Green ang laban sa kanyang tres, 114-101, na may 1:06 sa orasan diretso sa panalo.

Hindi ininda ni Parker ang kanyang injury sa hita, at patunay dito ang tinala niyang 26 points, habang bumakas ng 24 markers si Green.

Babalik sa American Airlines Arena sa Miami ang dalawang koponan para sa Game 6 kung saan susubukan nang selyuhan ng San Antonio ang pagkopo ng kanilang panlimang titulo, habang tangka ng Heat na pahabain pa ang serye at dalhin ito sa Game 7.

vuukle comment

AMERICAN AIRLINES ARENA

BABALIK

DANNY GREEN

MANU GINOBLI

MIAMI HEAT

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

T CENTRE

TIM DUNCAN

TONY PARKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with