MANILA, Philippines – Labing-anim katao ang sugatan matapos tumagilid ang isang humaharurot na pampasaherong van sa lungsod ng Lamitan sa Basilan nitong Huwebes ng kahapon.
Sinabi ni Chief Inspector Kennetch Balisang, hepe ng Lamitan Police office, na sinubukang iwasan ng van na may plakang JVM 374 ang asong tumawid sa kalsada ng Barangay Ubit.
Nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela at tuluyang tumagilid ang van.
Kaagad namang dinala sa ospital ang mga biktima.