^

Balita Ngayon

Suspek sa pagpatay sa piskal sa Batangas huli na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip na ng mga pulis ang suspek sa pananambang sa isang piskal sa Batangas nitong Huwebes ng umaga.

Inianunsyo ni Prosecutor General Claro Arellano ang pagkakahuli kay Jayson Espejo Guerrero, suspek sa pagpatay kay Batangas assistant provincial prosecutor Alexander Sandoval.

Natiklo ng mga awtoridad si Guerrero kahapon sa Taal, Batangas.

Minamaneho ni Sandoval ang kanyang sasakyan sa Barangay Muzon, San Luis nang pagbabarilin siya ng dalawang armadong lalaki na sakay ng isang motorsiklo bandang 11 ng umaga.

Iniutos ni Justice Secretary Leila de Lima kay Arellano na alamin ang mga sensitibong kasong hinawakan ni Sandoval.

"It may be helpful in ascertaining the motives for the killing and to relay forthwith such and any other relevant information to the NBI (National Bureau of Investigation)," sabi ni De Lima.

"In response to this blatant assault, not just against one of our own, but against our entire system of government and the Filipino nation as a whole," dagdag ni De Lima.

Inulit ni De Lima ang kanyang utos sa National Bureau of Investigation at umapela sa Philippine National Police upang tugisin ang mga nasa likod nang pananambang.

"We also wish to extend our deepest sympathies and condolences to the family and friends of the late Batangas Assistant Provincial Prosecutor Alexander Sandoval. Their loss is the loss of the National Prosecution Service and of the Department," ani De Lima.

 

vuukle comment

ALEXANDER SANDOVAL

BARANGAY MUZON

BATANGAS

BATANGAS ASSISTANT PROVINCIAL PROSECUTOR ALEXANDER SANDOVAL

DE LIMA

JAYSON ESPEJO GUERRERO

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL PROSECUTION SERVICE AND OF THE DEPARTMENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROSECUTOR GENERAL CLARO ARELLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with