MANILA, Philippines - Si Bise-presidente Jejomar Binay ang malamang na magiging standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA) sa 2016 presidential elections, ayon kay Senador Jinggoy Estrada ngayong Huwebes.
Bagaman hindi kinumpirma, hindi naman itinanggi ni Estrada na siya ang napipisil na maging runningmate ni Binay. Aniya, hindi pa nila ito napag-uusapan.
"In fairness to Vice President Binay we haven’t talked with regard to who will be his running mate," sabi ni Estrada sa isang panayam sa telebisyon kaninang umaga.
Noong 2010 ay natalo ang ama ni Jinggoy na si dating Pangulong Joseph Estrada sa pagkapangulo, habang ang runningmate nito na si Binay ay nanalo.
Nang tanungin kung ano ang kailangan upang tumakbo siya bilang bise-presidente: “First of all, surveys. I have yet to go around the country and feel the pulse of the people.â€
Aniya matitindi ang maaari niyang maing mga kalaban na sina Senators Chiz Escudero, Bong Revilla, Bong-Bong Marcos, Alan Cayetano, at Senator-elect Grace Poe.
"It might be tough of course. Senator Chiz is a respected lawmaker. Grace turned out to be number one. She's very intelligent, I can vouch for it. She's my kumadre. Senator Alan (Cayetano) may also want to join the race, maybe Sen. Bong Revilla, even Sen. Marcos," pahayag ni Estrada.
"Let's just cross the bridge when we get there... Malalakas ang mga kalaban. Maraming pwedeng mangyari. Pero siguro early next year marami na ring realignments ng partido yan," dagdag ni Estrada.
Matapos gulatin ang lahat sa pangunguna bilang senador sa katatapos lamang na eleksyon, napipisil si Poe na tumakbo sa pagkapangulo sa 2016 kasama si Escudero bilang running mate nito.
Noong nakaraang buwan ay nagbigay ng pahiwatig si Escudero na sa posibiladad na tumakbo sila ni Poe sa 2016.
"Masyadong nang maraming umaaway sa akin dahil sa mga 2016 na 'yan, huwag na rin muna siguro ngayon baka may umaway na naman, masyado pang malayo yon," sabi ni Escudero.
"Pareho kaming walang pera eh - Mahirap yon sa ngayon, given what we have and what we are now," dagdag niya.