PAGASA: Tag-ulan na!

MANILA, Philippines – Tapos na ang mainit na panahon dahil opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng tag-ulan ngayong Lunes.

"The prevailing synoptic conditions over the country are now characterized by southwesterly to westerly windflow, high humidity, presence of rain clouds and the daily occurrence of rainshowers and thunderstorms," pahayag ng PAGASA sa kanilang inilabas na advisory ngayong hapon.

Dahil ditto ay inaasahan ng PAGASA na magiging madalas ang pag-ulan sa bansa particular sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

Samantala malayo na sa bansa ang tropical storm na si Dante at hindi na direktang makakaapekto sa Pilipinas ngunit patuloy itong makakatulong upang mapalakas ang hanging habagat na magdadala ng ulan partikular sa kanlurang bahagi ng Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Mula kaninang alas-10 ng umaga ay nasa 1,080 kilometro hilaga-silangan ng Basco, Batanes si Dante.

Gumagalaw ito pahilaga-silangan sa bilis na 15 kilometro kada oras at inaasahang lumabas ng Philippine area of responsibility bukas ng umaga.

Show comments