MANILA, Philippines - Iginawad ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat ang titulong ambassador of “dogwill†sa asong si Kabang ngayong Lunes kasunod ng hero’s welcome nito matapos makabalik sa bansa kahapon at makapiling muli ang among si Rudy Bunggal.
Naibigay ang titulo kay Kabang dahil sa bisa ng executive order na suportado ng council resolution No. 180 kung saan kinikilala ang kabayanihan ng aso. Iniligtas ni Kabang ang dalawang bata na kamuntikang masagasaan noong Disyembre 14, 2011.
Sinabi ni Antonio Lim, pribadong beterinaryo at pinuno ng Team Kabang, at City Veterinarian Mario Ariola na iba’t ibang mga gawain ang nag-aabang sa aso bilang “ambassador of goodwill.â€
Pero kailangan muna ng isang linggong pahinga ng aso upang makabawi mula sa pagod dahil sa mahabang biyahe at para na rin makasama ang mga nag-alaga sa kanya.
“She ...will be an advocate of animal welfare, pet ownership responsibility not only in Zamboanga but nationwide,â€dagdag ni Lim.
Sinabi naman ni Ariola na kailangan ni Kabang ng “responsible pet ownership†at dapat ay maging simbolo ng kampanya laban sa pananakit sa mga hayop.
Gagamitin din si Kabang sa mga kampanya para sa pagkontrol ng populasyon ng mga aso, dagdag ni Ariola.
Inihayag din ni Lim na naimbitahan na si Kabang ng lungsod ng Makati upang makibahagi sa kanilang rabies awareness program.
Sinabi pa ni Lim na plano ng Makati na ipangalan kay Kabang ang dog-friendly park na kanilang gagawin.
Ayon kay Ariola ay hindi lamang ang kapakanan ng Asong Pinoy (Aspin) ang kanilang inaasikaso ngunit pati na rin ang may-ari na si Bunggal na benipesyaryo ng housing program ni Lobregat.
Samantala, isasara na pagkatapos ng dalawang linggo ang donation portal para kay Kabang na ginamit upang makapagpagamot ito sa California. Ang mga sumobrang pera na kanilang makukuha ay gagamitin para kay Kabang at sa kanyang mga adbokasiya.