MANILA, Philippines – Pinatunayan ng basketbolistang si Asi Taulava ang kasabihang "kalabaw lamang ang tumatanda" matapos kubrahin ang Most Valuable Player award sa ASEAN Basetball League sa edad na 40-anyos.
Eksaktong 10 taon matapos niyang masungkit ang kaparehong pagkilala sa Philippine Basketball Association, hindi kinakitaan ng panghihina ang beteranong basketbolista paglipat niya sa umuusbong na professional league.
Dahil dito ay nakaani ng papuri ang Fil-Tongan na si Taulava sa Chief Executive Officer ng ABL na si Anthony Macri.
“We have some very talented players in our league, and anyone of them would have made an excellent Asean MVP – and it is a testament to Asi
Taulava that he was selected by the teams for this award,†pahayag ni Macri.
Dinaig ni Taulava sa karera ng pagka-MVP ang tropa niyang si Chris Banchero, import ng Rev Sports Thailand Slammer na si Froilan Baguion at Saigon
Heat import Jair Reyes. Tanging si Mario Wuysang ng Indonesia Warriors ang hindi Pinoy sa mga nakalaban ni Taulava sa korona.
“It has been an honor and a privilege to have Asi in the AirAsia Asean Basketball League this season. He was the go-to post player down the stretch of big games for the San Miguel Beermen all year long, and always seemed to deliver.â€
Nagtala ng average na 10.9 points at 7.4 rebounds si Taulava na binansagang “The Rock†para sa kanyang koponan na San Miguel Beermen.
Tinrangkuhan ni Taulava, na naging miyembro rin ng national team, ang makasaysayang 16-game winning streak ng kanyang koponan.
Nais ng bagong hirang na MVP na makumpleto ang selebrasyon sa pakikipagbakbakan nila ng Beermen kontra Indonesia Warriors sa ABL Finals na magsisimula sa Biyernes.