^

Balita Ngayon

De Lima: Taiwanese fisherman binaril sa loob ng Phl territory

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Lunes na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ang bangka ng mga mangingisdang Taiwanese nang barilin sila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard noong Mayo 9.

"Our jurisdiction is clear -- the incident happened inside our territory which is why we are conducting an investigation," pahayag ni De Lima.

Nangyari aniya ang pamamaril sa layong 43 nautical miles silangan ng Balintang Island na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas base sa global positioning system record ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

"Probably you should ask the Taiwanese government why they are conducting their own investigation. They probably have extra-territorial jurisdiction like if the victim is a Taiwanese or the vessel is registered under the Taiwanese name," dagdag ni De Lima.

Nagpadala ng mga imbestigador ang gobyerno ng Taiwan sa Pilipinas upang pag-aralan ang insidente, habang tumulak naman ang walong tauhan ng National Bureau of Investigation sa Taiwan para sa napagkasunduan ng dalawang bansa na parallel investigation.

Isa sa mga ginawa ng Taiwanese investigators ang panonood ng kuha sa video ng pamamaril ng PCG sa Taiwanese Fishing Vessel.

Sinabi pa ni De Lima na huwag maglabas ng haka-haka ang publiko sa kalalabasan ng imbestigasyon ng NBI.

"We should not speculate. We should wait for the report [of the NBI]. The video will also be part of the report, what exactly is shown in the video and how it impacts on the conclusion," sabi ni De Lima.

BALINTANG ISLAND

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DE LIMA

IGINIIT

ISA

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

TAIWANESE FISHING VESSEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with