^

Balita Ngayon

1 sa 4 na batang natabunan sa landslide nakita na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natagpuan na ang bangkay ng isa sa apat na batang natabuban ng gumuhong lupa sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay nitong nakalipas na linggo, ayon sa pulisya ngayong Lunes.

Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), nabungkal ng pinagsamang puwersa ng pulisya at ng rescue team ng lokal na gobyerno ang katawan ng 12-anyos na si Fatima Orong Maghanoy bandang alas-4 ng hapon kahapon.

Dagdag ni Huesca, patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad ang tatlo pang biktima na sina Eugene Maghanoy, 9, kapatid ni Fatima at pinsan nilang sina Sherlyn mae Lugatiman Maghanoy, 7, at Eziquel Meziah, 3.

Sumilong ang mga biktima sa isang abandonadong bahay dahil sa lakas ng ulan, ngunit natabunan naman sila ng gumuhong lupa noong Mayo 28.

Sinabi pa ni Huesca na manu-mano ang ginagawang pagbubungkal sa lugar dahil hindi makapasok ang mga heavy equipment sa liblib na barangay.

Samantala, isang magsasaka ang pinaniniwalaang nasawi matapos anurin ng rumaragasang baha sa Tambulig, Zamboanga del Sur kahapon.

Ayon sa mga pulis, tumatawid ng ilog si Calib Boroy, 57, nang anurin siya ng rumaragasang baha dahil sa matinding buhos ng ulan bandang alas-3 ng hapon sa Barangay River.

BARANGAY RIVER

CALIB BOROY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

EUGENE MAGHANOY

EZIQUEL MEZIAH

FATIMA ORONG MAGHANOY

HUESCA

LUGATIMAN MAGHANOY

POLICE REGIONAL OFFICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with