Eroplano nag-overshoot sa Davao airport; flights kanselado
MANILA, Philippines – Kamot-ulo ang mga pasahero ng Davao International Aiport (DIA) ngayong Lunes dahil sa mga kanseladong flight kasunod nang isang aberya sa runway kagabi.
Walang incoming at outgoing flights ang Francisco Bangoy International Airport dahil sa pag-overshoot ng Cebu Pacific flight 5J 971 kagabi.
Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente ngunit maraming biyahe ang nakansela dahil hindi pa rin natatanggal ang eroplano sa runway.
Ayon sa mga ulat, daan-daang mga pasahero na apektado sa insidente ang nagngingitngit dahil sa mabagal umanong aksyon ng mga airline companies upang masolusyonan ang problema.
Marami umanong mga pasahero ang lalong nainis dahil sa halip na bus ay pampasaherong van lamang ang ginamit ng mga airline companies upang sila ay ilipat sa General Santos International Airport.
- Latest
- Trending