2 tulak sa Caloocan City laglag sa PDEA
MANILA, Philippines – Timbog ang dalawang kilabot na tulak ng droga sa Caloocan City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakorner sa buy-bust operation ang mga suspek na sina Bernardo Lazaro y Boromeo, 51, ng Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan; at Rommel De
Ocampo, 24, ng Phase 12, Tala, Brgy. 188, Caloocan matapos pagbentahan ang undercover agent ng ahensya.
Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na ginawa ang operasyon sa Phase 2, kalye ng Pasbilan sa lungsod ng Caloocan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000.
Kapwa nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest
- Trending