Mag-inang tulak huli sa Cotabato

MANILA, Philippines – Arestado ang mag-inang tulak ng droga sa lungsod ng Cotabato nitong Huwebes, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Felimon Ruiz, pinuno ng PDEA- Autonomous Region in Muslim Mindanao, nasakote sa buy-bust operation sina Anisa Abdullah at anak nitong si Rasmeah matapos pagbentahan ang isang undercover agent.

Napag-alamanan ng mga awtoridad ang ilegal na gawain ng mag-ina matapos itong isumbong ng mga kapitbahay nila sa Barangay Kalansangan.

Ang mag-inang Abdullah ang itinuturong nasa likod ng malaking kalakaran ng droga sa Barangay Kalanganan at sa hilaga-kanlurang bahagi ng lungsod ng Cotabato.

Nasamsam pa ng mga awtoridad ang higit sa 100 pakete ng shabu na nakatago sa iba’t ibang parte ng kanilang hideout.

Nahuli ang mag-ina isang lingo matapos madakip ng PDEA ang kilabot na tulak ng droga na si Dheng Guiaman.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9156 na kilala rin sa tawag na Philippine Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments