OFW na nasa death row sa Saudi makakalaya na
MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Vice President Jejomar Binay ngayong Miyerkules na nakatanggap ang Pilipinong na nasa death row sa Saudi Arabia ng affidavit of forgiveness.
“The Saudi Royal Court in Dammam has confirmed that the victim’s family has already issued a tanazul, or affidavit of forgiveness, in favor of Dondon Lanuza,†pahayag ni Binay patukoy sa kaso ni Lanuza na naipila sa death row noong 2001.
Sinabi ni Binay na nakatanggap ng text si Lanuza mula kay Sheikh Ahmad Al Othaimen, pinuno ng Saudi Royal Court sa Dammam, na naglabas na ang pamilya ng biktima ng Tanazul.
Naisalang sa death row si Lanuza dahil sa hindi sadyang pagpatay sa isang Saudi national matapos siyang umano'y pagsamantalahan noong 2000.
Napagdesisyunan ng mataas na hukuman ng Saudi na bitayin si Lanuza noong 2001 ngunit pinatawad siya ng pamilya ng biktima makalipas ang 10 taon at humingi ng blood money.
Hindi nakumpleto ng pamilya ni Lanuza ang blood money ngunit hindi rin siya binitay dahil sa pardon na ibinigay ng Hari ng Susi sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas.
Nitong Marso ay nagbayad ng 700,000 riyals o P7.6 milyon ang gobyerno ng Pilipinas sa korte ng Saudi para sa blood money ni Lanuza.
“Basta't ang sigurado ay hindi na siya bibitayin. Iyan siguradong-sigurado,†sabi ni Binay na binaggit pa na binayaran ng gobyerno ng Saudi ang kalahati ng blood money ni Lanuza.
Umabot sa 2.3 milyon riyals (P25 milyon) ang binayaran ng gobyerno ng Saudi para makumpleto ang 3 milyon riyals na blood money ni Lanuza.
Sinabi ni Binay na depende nalang sa korte ng Damdan kung kailan maglalabas ng release order para kay Lanuza.
- Latest
- Trending