^

Balita Ngayon

Pamilya ng mangingisdang Taiwanese tumanggi sa re-autopsy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumanggi ang kamag-anak ng nasawing mangingisdang Taiwanese na muling isailalim sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation's (NBI) ang mga labi ng biktima.

"We cannot force them to agree to a re-autopsy," sabi ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes.

Aniya hihingi na lamang sila ng autopsy report ng 65-anyos na mangingisdang si Hung Shih-Cheng.

Dumating nitong Lunes sa Taiwan ang eight-man na probe team ng NBI sa pamumuno ni foreign liaison division chief Daniel Deganzo.

Iimbestigahan din ng NBI ang fishing vessel na pinagbabaril ng Philippine Coast Guard sa may katubigan ng Batanes at kakausapin din nila ang mga tripulante nito.

Dumating na rin kahapon mula sa Taiwan ang mga Taiwanese investigators sa Maynila upang magsagawa ng parallel investigation.

Pinangunahan ni Prosecutor Lin Yen Liang ang Taiwanese team at ni Criminal Investigation Bureau-International Affairs Division chief Simon Lee.

“We cannot disclose any of the details and we do not know how long it will take, but they (Taiwanese) will finish the investigation before going back,” sabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) deputy secretary of the board Art Abierra.

Naunang sinabi ng NBI na itutuloy ng Taiwanese investigators ngayon ang ballistic examination sa mga armas na ginamit ng PCG sa insidente.

Sinabi ng NBI na handa silang ibigay ang mga impormasyon sa Taiwanese investigators kabilang ang video footage  na ipinasa ng PCG kung saan nakuhaan ang bakbakan nila ng Taiwanese fishing vessel.

ART ABIERRA

CRIMINAL INVESTIGATION BUREAU-INTERNATIONAL AFFAIRS DIVISION

DANIEL DEGANZO

DUMATING

HUNG SHIH-CHENG

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE COAST GUARD

PROSECUTOR LIN YEN LIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with