^

Balita Ngayon

San Beda Red Cubs diretso sa semis ng Fr. Francis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Winalis ng San Beda College-A ang juniors eliminations upang tumawid sa susunod na round ng 19th Fr. Martin Summer Cup basketball tournament.

Walang kahirap-hirap na ibinasura ng Red Cubs ang Adamson University, 103-51, upang pamunuan ang group B na may 7-0 record at maging unang koponan na makapasok sa semifinals.

Nagtala ng 16 markers si Franz Abude at umambag si Evan Furaque ng 12 points na kaagad nanalasa sa opening quarter upang maiposte ang 32-8 na kalamangan.

Samantala, pinatumba ng Lyceum of the Philippines University ang RP Youth team, 92-69, sa likod ng magagandang laro nina Jesper Cayahay, Kinsman Frando, at Cameroonian Guy Essono kahapon sa St. Placid gym ng SBC-Manila.

Tumabo ng 23 points si Cayahay, habang bumakas sina Frando at Essono ng 21 markers bawat isa upang sungkitin ang ikatlong panalo sa limang laban.

Dalawang laro na lamang ang natitira sa iskyedul ng Pirates kaya naman malaki pa ang tsansa nilang makapasok sa final four ng seniors division.

Nagawa naman mapigilan ng Xavier University ang defending UAAP Juniors champion Far Eastern University, 65-55, para bitbitin ang 4-2 slate.

Kumubra ng 17 points si Jarell Lim at hindi rin nagpahuli sina Isaac Go at Tyler Trio na may 16 markers para sa Stallions upang ibigay ang ikatlong talo ng Baby Tams sa anim na laro, 65-55.

ADAMSON UNIVERSITY

BABY TAMS

CAMEROONIAN GUY ESSONO

EVAN FURAQUE

FAR EASTERN UNIVERSITY

FRANZ ABUDE

ISAAC GO

JARELL LIM

JESPER CAYAHAY

KINSMAN FRANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with